June 28, 2014 — Labing limang kandidato ang nagpabonggahan sa kauna-unahang I Am Pogay competition sa lalawigan ng Nueva Ecija noong nakaraang Sabado, na ginanap sa Freedom Park Cabanatuan City Nueva Ecija.
Ang naggagwapuhang mga kalalakihan na nagtataglay din ng pusong babae o mas kilala sa tawag na bi-sexual ay nag laban-laban upang maiuwi ang titulong I Am Pogay 2014 o ang mga poging gay.
Sa simula ng programa nagpagalingan ang mga kalahok sa pagrampa at isa-isang nagpakilala.
Sa muling paglabas ng mga kalahok ay inirampa na nila ang makukulay at naggagandahang creative costume na naglalakihang pakpak na may iba’t-ibang disenyo na animo’y mga paro-paro.
Natunghayan din ng mga manunuod ang kakaibang Swim Wear Attire ng mga kalahok kung saan kakaibang gimik ang kanilang ginawa, mayroong rumampa na may malaking bow tie na hango sa flag ng bansang USA, see-through na pants,may dalang scarf at iba’t-ibang palamuti sa katawan habang rumarampa.
At syempre hindi mawawala ang pagrampa ng Casual Wear kung saan lumulutang ang kagwapuhan ng bawat kandito sa kanilang in na in na fashion statement.
Hindi magpapahuli ang mga pogay pagdating sa angking talento, ipinamalas nila ang kanilang husay sa pag kanta,pag sayaw,pag arte at pagguhit at ang huling inirampa ang formal attire.
Kasabay nito ang pagbibigay ng ilang special awards kabilang ang Mr. Photogenic- Candidate #12 at Best in Talent – Candidate #13.
Tinaguriang hakot award si Candidate #5 na naiuwi ang Best in Costume, Best In Swim Wear, Best In Casual Attire at Best In Formal Attire.
Ang pinakahihintay ng lahat ang pag-anunsyo ng top 5 na sina candidate #3 Wynwyn Villar, Candidate #5 Jhapet Raymundo, Candidate #8 – Darwin Lising, Candidate #12 Jofferson Jade Cacayurin At Candidate #13- Erwin Jan Nueda.
At sa huli, masayang na iuwi ni Candidate #3 Wynwyn Villar ang titulong I Am Pogay 2014. Ulat ni Joyce Fuentes