June 28, 2014 –– Humigit kumulang tatlong daang katao ang lumahok sa Sta Rosa Heroes Run 5 kilometers for Bacao nitong nakaraang Sabado, ika dalawamput-walo ng Hunyo na nagsimula at nagtapos sa Barangay Soledad Sta Rosa Nueva Ecija.
Sama-samang tumakbo ang mga kasundaluhan, kapulisan, empleyado ng munisipyo ng Sta Rosa at Vice Mayor’s League sa Fun Run For A Cause.
Kahit masungit ang panahon, tinuloy pa rin ng Cardinals Lions Club ng Nueva Ecija ang adhikaing makatulong sa pagsasa-ayos muli ng Multi-Purpose Hall sa pangunguna ni Father Chito Beltran na nasalanta ng Bagyong Santi noong nakaraang taon buwan ng Oktubre, ang bacao Reforestration Project na matatagpuan sa Sitio Bacao sa Barangay Doña Josefa, Palayan City.
Katuwang sa isinagawang Fun Run ang ilang grupo na sumuporta tulad ng 7ID Division, at LGU-Sta Rosa.
Pangalawang beses na itong isinagawa ng Cardinals Lions Club sa pagsuporta at pagbigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan.
Apat na kategorya para sa babae, lalaki , bata at senior citizen ang inilaan ng Cardinals Lions Of Nueva Ecija na may kaukulang papremyo para sa mga nanalo.
Isang mensahe ang ipinahatid ng pangalawang punong bayan ng Sta Rosa sa mga taong hindi nakakalimot na magbigay ng munting tulong at bukas palad sa mga taong mahihirap.
Makikinabang sa mga nalikom na pondo mula sa mga kalahok na nag register sa halagang 300 pesos ay ang siyamnapu’t limang pamilyang Aetas na naninirahan sa Bacao. Ulat ni Shane Tolentino