Pagiging alisto sa paghabol sa bola ang ipinakita ng mga manlalaro ng bawat koponan pagdating sa Women’s Volleyball sa ginaganap na NECSL SEASON 3 o Nueva Ecija Colligiate Sports League.

Sa nakaraang laban na ginanap sa CIC o College of the Immaculate Concepcion Gymnasium nag tagisan ng galing ang anim na koponan.

 

Unang nagtuos ang DATAMEX Blue Vipers at CIC Kings, dahil na din sa magandang team work at pagkapursigido ng CIC Kings ay naipanalo nila ang laban pagkatapos ng  3rd set at sa ngayon ay wala pang naitalang pagkatalo ang CIC Kings.

 

Samantala, nahirapan ang ABE Wolves sa ginawang depensa ng katunggali nitong koponan ang GJC Generals at natapos ang laban pag karaan ng 3rd set kung saan wagi ang GJC Generals.

 

At sa huling laban ng araw na un ay naging mainit ang paghaharap ng mag kabilang koponan, umarangkada ang La Fortuna Spartans at AMA Titans sa magandang laban na kanilang ipinakita kung saan naging makapigil hininga ang kanilang pag tutuos na natapos sa limang set na naipanalo ng AMA Titans at maitatalang walang pang pag katalo sa ngayon.  –Ulat ni Joyce Fuentes