Pinipilit na ilusot ng apat na konsehal ang pag-amyenda sa Internal Rules of Procedure for the Sangguniang Panlungsod of Cabanatuan sa kabila ng hindi ito kasama sa agenda, na nagresulta ng muling pag-init nang naganap na Session, kahapon, Feb. 21, 2017

   Muling ipinilit na ilusot ng apat na konsehal ang pagtutulak ng pag-amyenda sa Resolution No. 003-2016 o “Internal Rules of Procedure for the Sangguniang Panlungsod of Cabanatuan” na nagresulta ng muling pag-init ng Session kahapon, Feb. 21, 2017 sa Ika-Walong Regular Session.

   Base sa itinutulak na Proposed Amendment nina Kon. Ruben Ilagan, Kon. Rosendo Del Rosario. Kon. Epifanio Posada at Kon. Emmanuel Liwag ay ipinapabago nito ang Sec. 2 at 9(b) ng Rule No. 8 ng Internal Rules.

   Kung saan, nakapaloob sa inihaing Sec. 2 na mailipat sa Committee on Laws, Rules, and Regulations ang paghahanda at pag-a-apruba ng agenda na kasalukuyang nasa pamahahala ngayon ng sekretarya ng Sanggunian at inaaprubahan ng Vice Mayor/Presiding Officer na si Anthony Umali.

   Habang nakasaad naman sa panukala nila sa Sec. 9(b) na mawala sa kapangyarihan ng Presiding Officer ang pagpapasiya ng urgency.

   Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, napagusapan na ang naturang panukala noong nakaraang sesyon at hindi na dapat talakayin pa kung wala namang bago dito.

   Ngunit, tila bingi ang apat na konsehal at maging ang mga kaalyado nito na patuloy pa rin ang ratsada na maisingit ang naturang panukala kahit wala sa agenda ng tinatalakay na session.

   Pilit naman inaalam ni Kon. Nero Mecado, kung ano ang tunay na dahilan ng mga proponent upang ito ay amyendahan.

   Idinagdag pa ng Bise Alkalde, hindi rin nakapag comply sa mga requirements ang mga konsehal.

  Ngunit, hindi pa rin nagpapigil ang mga konsehal. Hanggang sa dineretsa na ni Vice Mayor Umali ang mga nagsusulong ng panukala. –ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/xD7_tx5bL1c