Ikinatuwa ng mga magulang ni hazing victim Horacio “Atio” Castillo III ang desisyon ng University of Santo Tomas na sipain ang walong estudyanteng may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak.
Sinabi ng magulang ng biktima na sa kabila ng pagkakasipa ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity, dapat ding managot ang Faculty of Civil Law.
Tinutukoy din nila ang tila tangkang pagtatakip ng ilang opisyal ng Civil Law sa nangyari dahil na rin ang ilan sa mga opisyal nito ay miyembro ng Aegis Juris.
Hindi naman pinangalanan ng UST ang mga sinipang estudyante.
Silipin ang kabuuang balita sa https://beta.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/02/19/1789382/magulang-ni-atio-nagpasalamat-sa-pagsipa-ng-ust-sa-8-estudyante#Sxs7gbLih2GT4vGQ.99
Read more at https://beta.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/02/19/1789382/magulang-ni-atio-nagpasalamat-sa-pagsipa-ng-ust-sa-8-estudyante#Sxs7gbLih2GT4vGQ.99