NUEVA ECIJA PRESS CLUB OFFICERS 2023–2025, NANUMPA SA KATUNGKULAN
Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na pamunuan ng Nueva Ecija Press Club Inc. kay Governor Aurelio Umali na ginanap sa Gramco studio sa bayan ng Santa Rosa sa mismong araw ng mga puso.
Ito ay sa pangunguna ng nahalal sa ika-apat na termino na si Ms Gina Magsanoc Caling ng Dwne teleradyo ganun din ang kanyang executive vice president na si Milo Salazar ng Dahong Palay, Vice president for broadcast Maureen Pagaragan ng Dwne, vice president for print Ferdie Domingo, secretary Juaneth Bondad ng Dwne teleradyo, Treasurer Elsa Navallo ng Remate, Auditor Ver Sta Ana ng Remate at ang Business manager na si Edna Fabros ng dwne.
Kasama ring nanumpa ang board of directors ng NEPCI, bilang Chairman of the board si Antonio Vallejo, habang ang members of the Board ay sa pangunguna ni Past President Aga Linsangan ng Dwne teleradyo,
Pepe Balagtas, Ryan Rivera na kapwa mula sa DWJJ, Clariza de Guzman ng TV 48, Camille Salazar ng Dahong palay, at ng inyong lingkod Smile Supetran III ng TV 48.
Binati ni Governor Oyie Umali ang mga bagong halal na mga officers ng Nueva Ecija Press Club at ayon sa kanya napakalaking gampanin ng media sa kalayaan lalo na sa lalawigan ng Nueva Ecija .
Dagdag pa ni Gov Oyie, mahalaga ang media dahil itinuturing itong ikaapat na sangay ng gobyerno bilang boses ng mamamayan at upang malaman ang kaganapan hindi lamang sa lalawigan pati na sa buong bansa.
Samantala ayon kay Ms Gina Caling sa kanyang ikaapat na termino ay nais niyang maipagpatuloy ang mga programang nasimulan gaya ng mga tree planting, seminar para sa pagpapaunlad ng sarili ng bawat mamamahayag maipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga proyekto at programa sa mga IP children na nasimulan para mabigyan ng kasiyahan sa pamamagitan ng gift giving at feeding programs.
Magkaroon ng regular na Media forum ang iba’t-ibang head ng government agency upang ma disseminate ang mga programa at proyekto nito para sa tao.
Napagkasunduan umano ng mga officers na gawing dalawang taon ang termino ng mga bagong manunungkulan para magampanan at maisakatuparan ang mga nais na proyekto para sa ikabubuti ng samahan dahil maikli ang isang taon para magawa at maipagpatuloy ang mga programa at proyekto.
Ipinagpapasalamat niya rin ang walang-sawang suporta ni Gov Oyie sa lahat ng proyekto ng samahan lalong-lalo na ang ipinagkaloob na 2-storey building bilang tahanan ng mga mamamahayag sa Nueva Ecija.