IPINAGDASAL SA UNANG PAGKIKITA, 37 TAON NA NGAYONG MAG-ASAWA
Napuno ng kilig at tawanan ang episode ng Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ng kanilang balikan ang love story nina Doc Doy at Ann Nacpi
Sa panayam ni Dra Kit at Guest co-host na si SF dela Peña sinabi ng mag-asawa na kolehiyo pa lamang sila ng magkakilala sa unibersidad. Unang nagka crush si Sister Ann kay Doc Doy at ang kanyang hiling sa kanyang panalangin ay kung katulad niyang Kristiyano si Doc Doy ay ito na ang ibigay nito sa kanya.
Isang panalagin na agad niyang nakumpirma ng makita niya bilang isang leader si Doc Doy sa kanilang prayer meeting sa campus.
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Doc Doy ng sila ay maging magkatipan na dahil limang buwan pa lamang sa kanilang relasyon ay nag propose na si Doc Doy.
Dahil nabigla rin sa papasuking buhay may asawa sa edad na 21 taong gulang ay muntik pang mag back out si Sister Ann sa kanyang kasal.
Gayunpaman, nanaig pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa at ngayon ay 37 taon na silang nagsasama
Nagbigay naman ng mensahe sina Doc Doy at sister Ann sa mga nagnanais bumuo ng pamilya at magpakasal.