EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA FIRST SEM, NATANGGAP NA NG MGA ISKOLAR MULA SA LIMANG BAYAN NG NUEVA ECIJA
Personal na inabot ng mga empleyado ng Provincial Treasurer’s Office katuwang ang Public Affairs Monitoring Office ang educational assistance ng mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ginanap na magkakahiwalay na awarding of stipend.
147 na mga estudyante sa bayan ng San Isidro ang tumanggap ng halagang php2,500.00 bawat isa bilang tulong pinansiyal sa kanilang pag-aaral para sa 1st semester ng school year 2022 to 2023.
194 scholars sa Jaen, 75 sa bayan ng Penaranda, 51 sa Gen. Tinio, at 89 sa bayan ng Zaragoza.
Ayon kay Joanna Rizzi Gonzales ,4th year college sa General de Jesus, napakalaking tulong para sa kanyang mga magulang ang kapitolyo na katulong nila sa pagbabayad ng kanyang tuition fee mula first year hanggang ngayong graduating na siya sa kolehiyo.
Para naman kay Raven Justin Laudencia, 1st year sa Gapan College bilang pasasalamat sa pagtugon ng kapitolyo sa kaniyang financial needs ay nangangako siya na gagalingan niya ang kanyang pag-aaral para hindi masayang ang oportunidad na maging iskolar na kanyang natanggap.
Ipinagmamalaki naman ni Jane David, isang 4th year, graduating student sa Nueva Ecija University of Science and Technology na mula 1st year hanggang sa kanyang pagtatapos ay iskolar siya ng kapitolyo.
Kwento niya, noong dalawang taong kasagsagan ng pandemic ay malaki ang naitulong ng educational assistance dahil kinailangan niya ng pang-load para sa internet sa kanyang pag-aaral.
Ang tatay lamang ng 1st year college sa NEUST na si Christine Kyle Sabino ng Calaba San isidro ang naghahanapbuhay, dahil ang kanyang nanay ay lumalaban sa sakit na cancer, malaking bagay na naging iskolar siya ng kapitolyo.
Payo naman ng focal person ng Provincial Local School Board na si George Sagun, na pagbutihan ng mga iskolar ang kanilang pag-aaral at huwag sayangin ang mga opportunity na ibinigay ng provincial government sa kanila sa pamumuno nina Governor Aurelio and Vice Governor Anthony Umali.