HILING NA BAKOD NG PROVINCIAL COMELEC, AGAD NA INAKSYUNAN NG KAPITOLYO
Agad na inaksyunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang kahilingan ng Provincial Commission on Election sa pagtatayo ng perimeter fence o bakod sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Anna Leah Viterbo, Election Assistant II ng COMELEC, malaking pakinabang para sa kanila ang ipinagawang bakod ng kapitolyo upang masiguro na ligtas ang mga mahahalagang dokumento lalo na noong nakaraang 2022 local election kung saan ang mga ginamit na materyales ay inilagak sa opisina.
Kwento ni Viterbo, simula nang magkaroon ng gate at bakod ang COMELEC office ay naging panatag na ang kanilang pakiramdam dahil hindi na madaling mapapasok o magagalaw pa ang mga election materials sa lugar.
Nagbigay naman ng pasasalamat si Viterbo sa ngalan ng kanilang Provincial Election Supervisor na si Atty. Rommel H. Rama sa mga suportang ibinibigay ni Governor Aurelio “Oyie” Umali sa COMELEC.
Ang nasabing proyekto ay hiniling ng ahensiya kay Gov. Oyie noong January 10, 2022 at natapos din ng February 8 noong nakaraang taon ayon sa datos ng Provincial Engineering Office.