1ST REGULAR MEETING NGAYONG TAON, ISINAGAWA NG PWD LEADERS NG NUEVA ECIJA

Nagsagawa ng 1st regular meeting ngayong taon ang mga Person with Disability Affairs Officers and Nueva Ecija Federation of Person with Disability noong nakaraang Enero 31 sa Old Capitol Cabanatuan City.

Dinaluhan ito ng mga PWD leaders ng bawat bayan kung saan tinalakay nila ang mga programa ngayong 2023 na dapat nilang maisulong na makakatulong sa mga PWD na kanilang nasasakupan at pagkolekta ng kanilang mga data dito sa ating lalawigan.

Napag-usapan din ang pagkakaroon ng PWD ID ng bawat miyembro.

Nilinaw nila na ang makakakuha lamang ng ID ay ang mga lehitimong may kapansanan, ilan kasi sa mga nagiging problema umano ay may ibang gustong kumuha kahit hindi naman qualified bilang PWD, kaya ito ngayon ang tutugunan ng mga leaders.

Bago makakuha ng PWD ID ay kailangang mayroong medical certificate lalo na sa mga hindi nakikita ang kapansanan.

Sa ngayon ayon sa pangulo ng PDAO na si Arnel Binas maayos naman ang pamimigay ng PWD ID sa ating lalawigan at karamihan naman umano ay qualified.

Ang mga benepisyo ng PWD
20% discounts
Hotel,
Restaurant,
Entertainment Center,
Domestic Travel and Sea Travel.

Exempted din sila sa 12% VAT, 5% discount sa prime at basic commodities.

Sa ngayon malaking pasasalamat ng Nueva Ecija Federation of Person with Disability dahil nabibigyang pansin ang kagaya nila ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno lalo na ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Oyie Umali at Bise Gobernador Doc Anthony Matias Umali dahil may programa para sa kanila na makakatulong sa kanilang kalagayan, at pamumuhay.

Ilan sa mga programang handog ng Provincial Government ay ang pamamahagi ng wheelchair at artificial legs, at hearing aid para sa mga bata na kanilang ipinagpapasalamat.

Determinado ang mga PWD na balang araw makikita sila na hindi lamang sila nasa bahay o dapat na kaawaan kundi gumagawa sila ng paraan para mamuhay ng payapa, tanggap sa lipunan at nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.