GRUPO NG MGA NURSES, NAGSAGAWA NG GIFT GIVING SA MINALUNGAO NATIONAL PARK
Naglunsad ng gift-giving ang grupo ng mga nurses na tinawag nilang solid friends mula sa Wesleyan University Philippines Alumni Texas chapter
Ang solid friends ay ang grupo ng mga nurses na naging magkakaibigan noong sila ay nag-aaral pa lamang sa Wesleyan University Philippines ng nursing.
Ang pamamahagi ay pinangunahan nina alumni President Ann Sabino Tongol and former Alumni President Lani Cruz Macusi.
Layunin ng solid friends ang makapagbigay ng saya sa mga mamamayan na nawalan ng kabuhayan lalo na noong panahon ng pandemya sa mga nakatira sa Minalungao National Park.
Namahagi ang grupo ng mga nurses ng mahigit sa 200 goodie bags para sa mga pamilya na nangangailangan ng lingap na naglalaman ng gamot bigas, groceries at mga pangunahing pagkain ng bawat pamilya at meron din silang nakahandang munting regalo para sa mga bata.
Nagpapasalamat din sila kay Doc Angelo Bote sa ibinigay na mga gamot para sa nasabing charity.
Taun-taon ay isinasagawa ng solid friends ang ganitong charity para maibahagi ang kanilang munting regalo na makakatulong sa kapwa.
Ipinagpapasalamat rin nila na sa loob ng 10 taon nilang nakakapaglunsad sila ng ganitong pagtulong at gift giving dahil nais nilang ibalik sa kapwa ang mga biyayang kanilang natatanggap.
Eka nga Count your Blessings.