Kinoronahan ang Grade 11 Student ng Westside Montessori Centrum na si Jamaica Juane bilang bagong Mutya ng Sinasajan 2019 sa bayan ng Peñaranda noong May 22, 2019.
Matinding hiyawan mula sa mga supporters ang sumalubong sa 10 kandidata ng Mutya Ng Sinasajan 2019 nang lumabas ang mga ito para sa kanilang production number.
Ang Mutya ng Sinasajan ay ika-12 taon ng ginaganap sa kanilang barangay at ito ay bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Patron ni Sta Rita de Casia.
Ipinamalas din ng mga kandidata ang kanilang galing sa pagsayaw, pagkanta, at pag-arte sa kanilang Talent Competition.
Sa pagtatapos ng programa, tagumpay na nasungkit ni Jamaica Juane ang Mutya ng Sinasajan 2019 at naiuwi ang special award na Ms. Close-up.
Nakuha naman ni Honeylou Salvacion ang Ms. Honda, Best in Production Number at wagi rin bilang 1st runner-up.
Itinanghal naman bilang 2nd runner-up si Jaime Diaz at maswerteng naiuwi ang Best in Swimwear, Ms. Abesamis Street, Ms. Muscle Lab Gym, at Ms. Miyaki Grace Botique.
Hakot award naman ang 3rd runner-up na si Joan Magat na nasungkit ang mga major awards na Best in Casual, Best in Long Gown at Best in Filipiniana.
Habang 4th runner-up naman si Lian Kyla Abrea na nakuha ang Ms. Photogenic at Ms. Hacienda Nicolas Resort.
Isa-isa ring inirampa ng mga binibini ang kanilang mga kasuotang Filipiniana, Kasuotang Casual, Kasuotang Panlangoy at Kasuotang Pormal. – Joice Vigilia/ Shane Tolentino