CENTER FOR COMMUNITY TRANSFORMATION, NAGING DALUYAN NG PAGPAPALA NG PANGINOON
Ibinahagi sa programang Count Your Blessings ni Center for Community Transformation founder Ruth Callanta ang misyon ng CCT na tumulong at baguhin ang buhay ng mga maralitang mamamayan na wala ng sariling tahanan at nabubuhay na lamang sa kalye.
Kasama si Sarah Faith dela Peña ay kinapanayam ng Co-host ni Former Governor Czarina ‘Cherry’Domingo-Umali na si Dra. Kit de Guzman si Sister Ruth kung saan magiliw niyang ibinahagi ang naging tulong ng CCT sa mga mamamayan.
Ang CCT ay isang organisasyon na tumutulong sa mga taong naligaw ng landas dahil sa adiksyon, problema sa pamilya at marami pang iba.
Kwento ni Ruth ang CCT ay isang kasagutan sa pagkatawag ng Panginoon na mag lingkod.
Sa loob ng 32 taon ay nakapag abot na ng tulong ang CCT sa 5,278 katao na dating laman ng kalye na kanilang binigyan ng panibagong buhay.
Sa tulong ng saving, feeding at pagpapakilala sa Panginoon ay nagkakaroon ng pundasyon ang kanilang tinutulungang indibidual upang sila ay tumungtong na sa susunod na baitang ng kanilang pagbabagong buhay, ang pag lilinang sa kanilang kaalaman upang makapag trabaho at maipag patuloy ang kanilang pagbabagong buhay.
Nag iwan naman ng mensahe si sister Ruth bilang kanyang pangwakas na salita.
Nagbigay din ng maagang pamasko ang Count Your Blessings sa CCT upang kanilang mapagsaluhan sa darating na kapaskuhan bilang parte ng Christmas celebration ng Count Your Blessings.