PAGPAPARAMI NG ANIMAL BITE TREATMENT CENTER, SAGOT KONTRA TANDOK O ALBULARYO
Ang ating mga alagang aso o pusa ay hindi lamang bantay sa ating mga tahanan, kundi bahagi rin ito ng ating pamilya.
Subalit hindi nagtatapos ang ating tungkulin sa kanila sa pagbibigay lamang ng pagkain at masisilungan.
Pananagutan din natin kung sakaling makakagat sila.
Kaya nagtakda ang bawat bayan ng Animal Bite Treatment Center para may mapagkukunan agad ng anti-rabbies shot, sino man ang mangailangan nito.
Ang rabies ay impeksyon na nakukuha mula sa laway ng hayop, kapag kumalat sa katawan may posibilidad na mamatay ang nakagat kapag hindi naagapan.
Ang mga bata ang pinakadelikado kapag nakagat ng aso o pusa, dahil maikli ang paglalakbayan ng virus patungo sa kanilang utak.
Kaya sa pangunguna ng Provincial Health Office ay nagsagawa sila ng practicum para sa Mga Health Worker ng Animal Bite Treatment Center na isinagawa sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital.
Nilahukan ito ng 12 Health Care Workers mula sa ibat ibang facilities gaya ng guimba, Gabaldon, PJG Hospital, at from Bataan.
Ayon kay Dra. Josie Garcia ng pho layunin ng programang ito na ma control ang pagkalat ng rabies, maparami ang mga ABTC hindi lamang sa ating lalawigan maging sa ibat ibang sulok ng bansa, at upang mabago ang pananaw ng mga nagtatandok o pumupunta sa mga albularyo kapag nakagat ng aso o pusa na nakagisnan ng mamamayan lalo na sa mga probinsiya.
Para naman kay doktora Rhoda Francia ng Gabaldon Medicare Community Hospital
Napakahalaga nitong practicum na ito para magbigay ng katuparan na maging rabies free ang bansa sa taong 2030 alinsunod sa layunin ng Department of Health.
Payo din niya na kapag nakagat ng aso o pusa ay hugasan ng sabon ang sugat ng at least sampung minuto at agad na pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center para agad na maagapan ang pagkalat ng rabies.
Ang Animal Bite Treatment Center Facilities dito sa ating lalawigan ay accredited ng DOH na nagbibigay ng libreng bakuna sa mga nakagat ng hayop.
Hindi lamang mga taga Nueva Ecija ang nabibigyan ng serbisyo sa mga Animal Bite Center maging karatig Lalawigan gaya ng Tarlac,Aurora at Bulacan.
Pati Bayan ng Dingalan kung saan ang ilan sa kanilang pangangailan ay nakukuha sa Nueva Ecija.
Ang ABTC ay bukas mula lunes hanggang biyernes alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Iminumumungkahi rin na maturukan ang mga alagang hayop kada taon