2 YEAR ANNIVERSARY NG COUNT YOUR BLESSINGS, IPINAGDIWANG SA PAMAMAGITAN NG PAGLULUNSAD NG MEDICAL MISSION SA BAYAN NG CABIAO
Ipinagdiwang nina Former Governor Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang ikalawang taong anibersaryo ng Count Your Blessings sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang Medical Mission sa Bayan ng Cabiao katuwang ang Project Luke Foundation for Health and Humanitarian Aid International, Inc., GRPI Cabiao, at Provincial Government of Nueva Ecija .
Umabot sa 300 katao ang nabigyan ng tulong, mula bata hanggang matanda na nangangailangan ng medikal na atensyon.
Ito ang mga sumusunod na serbiyo na kanilang ibinigay sa mga mamamayan ng Cabiao, pag kuha ng mga vital signs, oral health check up para sa mga bata, medical check up at nagbigay rin ng libreng gamot at vitamins na nireseta ng mga doktor.
Bukod dito ay nagkaroon rin ng pagkakataon na magpa spiritual counselling ang mga pastor upang mabigyan ng spiritual healing at advice ang mga mamamayan.
Ilan lamang sina Angelina Guillen at tatay Ignacio Espiritu sa mga nagbigyan ng libreng check up, gamot at spiritual counseling na kanilang ipinagpasalamat.