DAGDAG-SINGIL SA KONTRIBUSYON NG PHILHEALTH, SSS, PABOR SA MGA MIYEMBRO, HINDI SA EMPLOYERS
Pabor umano sa mga miyembro at hindi sa mga empleyor ang pagtaas ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth at Social Security System o SSS ayon sa Employers’ Confederation of the Philippines.
Nanawagan si ECOP President Sergio Ortiz-Luis kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpaliban muna ang dagdag-singil dahil maaapektuhan ang mga manggagawa at maliliit na negosyo sa gitna ng pagtaas ng inflatation rate.
Dagdag pa nito, na karamihan sa mga business owners ay nag-uumpisa muling bumangon mula sa kanilang pagsasara ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa susunod na taon kasi ay aabot sa 1 percent ang SSS contribution na mula sa dating 13 percent ay magiging 14 percent na ito sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 na pirmado ni pangulong Rodrigo Duterte na itaas ng 15 percent ang singil pagdating sa taong 2025.
Habang ang Philhealth ay may umento na 4.5 percent mula sa dating 4 percent lamang kung saan nakasaad sa universal healthcare law na target maitaas ng hanggang 5 percent ang kontribusyon pagdating ng 2024.
Sinabi ni Rey Balena, senior manager ng corporate communications ng Philhealth, kapag nagkasakit o naospital ang isang miyembro ay malaki ang maitutulong ng kanilang mga binayad upang matustusan ang mga gastusin sa pagpapagamot.
Ang nasabing pagtaas sa kontribusyon ay upang mapahusay ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro nito na magiging epektibo sa darating na Enero,