MGA BARIL, NAKUMPISKA SA MAY-ARI NG JUNKSHOP AT TRUCK DRIVER SA NUEVA ECIJA
Sinampahan ng kasong Violation of RA 10591 or Comprehensive Law Firearms Ammunition ang isang junkshop owner at truck driver matapos dakipin ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operation sa Nueva Ecija.
Kinilala ang mga suspek na sina kay JIMMY BAUTISTA y Ladisla, limapo’t limang taong gulang, lalaki, may asawa, may-ari ng junkshop at residente ng Brgy. Puncan, Carranglan; at ISAGANI ACOSTA y Andajao, 42 years old, single, truck driver, naninirahan sa Barangay Balbalungao Lupao.
Base sa report ng Public Information Office ng Nueva Ecija Police, noong Disyembre 11, 2022 ipinatupad ng mga elemento ng Carranglan Police Station (lead unit) at 2nd Police Mobile Force Company, NEPPO ang Search Warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 39 , San Jose City, Nueva Ecija na may petsang Disyembre 5, 2022, laban kay BAUTISTA na nagresulta sa pagkumpiska ng isang shotgun at pag-aresto sa suspek pagkaraang halughugin ang kaniyang bahay.
Disyembre 12, 2022 naman inihain ng Lupao Police at 2nd PMFC NEPPO ang Search Warrant Number na inisyu ni Presiding Judge RTC, Branch 39, San Jose City, Nueva Ecija na may petsang Disyembre 5, 2022 kontra kay ACOSTA.