TRIGGER WARNING: TALKS ABOUT EXPLOSIVES
BOMBA, NATAGPUAN SA CABANATUAN?
Kaagad na umaksyon ang Cabanatuan City Police at Nueva Ecija Provincial Explosives Ordinance Disposal and Canine Unit tungkol sa isang vintage bomb na natagpuan sa ilalim ng ginagawang Valdefuente Bridge sa nasabing lungsod noong December 6, 2022.
Base sa report ng Public Information Office ng Nueva Ecija Police, bandang ala una ng hapon nang itawag ng traffic enforcer na si Simeon Flores sa istasyon ng pulisya ang nadiskubre nitong metal na bagay na hinihinalang bomba.
Kaya naman nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at inalis sa naturang lugar ang umano’y pampasabog para sa kaligtasan ng mga mamamayan.