Ayon kay Brgy. Kagawad Benilda Maniago, matagal na nilang pangarap na magkaroon ng bago at malaking barangay hall upang pagdausan ng mga pagpupulong at session, pati na rin ang pagtanggap ng mga humihingi ng tulong sa kanilang lugar.
Aniya, mayroon na silang privacy dahil may kanya-kanya ng kwarto ang senior citizen, mga kagawad, at secretary ng barangay.
Malaking bagay din para sa kanila ang nasabing hall dahil nang manalasa ang Bagyong Karding sa lalawigan ay nagamit ito bilang evacuation center ng mga residente dito.
Sa kasalukuyan ay malapit nang mayari ang multipurpose building. Hinihintay na lamang nito na mapinturahan ang buong pasilyo at instilasyon ng tubig upang tuluyan nang mapakinabangan ng barangay.
Bukod dito ay may gymnasium rin na pinatayo ang lalawigan na naging sandalan nila sa panahon na wala silang lugar na mapuntahan upang pagdausan ng kanilang mga aktibidad.
Kaya laking pasasalamat ng mga kagawad patuloy na pagsuporta nina Gov. Oyie at Vice Gov. Doc Anthony Umali dahil nasolusyunan ang kanilang problema para makapaglingkod ng maayos sa kanilang nasasakupan.