MULTIPURPOSE BUILDING NG BARANGAY PANTOC GABALDON, HANDOG NG KAPITOLYO
Bagong Multi-Purpose Bldg. Ang handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija para Sa Barangay Pantoc sa Bayan ng Gabaldon Nueva Ecija.
Ayon kay Engr.Marlon Hernandez ng Provincial Engr.Office , ang pondong inilaan para rito ay mula sa development fund ng probinsiya na nagkakahalaga ng P5.686.58.53.
Ang lapad ng gusali ay may sukat na 16.4 meters at may 20.2 meters naman ang haba na kayang mag-accomodate ng mahigit isang daan katao.
Ito ay isang proyekto ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at ng Sanguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Doc Anthony Matias Umali upang mabiyayaan ang bawat barangay ng magagamit nilang gusali kapag may mga special gathering, particular na itong Barangay Pantoc.
Sinimulan ang contruction nito noong april 4, 2022 at noong october 24, 2022 naman ay pinasinayaan ito ng ama ng lalawigan na si Gov Oyie, kasama ang Bise Gobernador Doc Anthony, Mayor Jobby Emata at Vice Mayor Vicoy Sabino ng Gabaldon.
Malaking bagay umano ito para sa mga taga Pantoc dahil magagamit nila ito ng mahabang panahon sa mga espesyal na okasyon sa kanilang barangay gaya ng mga birthday, kasal, debut, at maging sa pagtitipon ng mga senior citizens.
Pakiusap lamang ni Engr. Marlon Hernandez na pakaingatan ito at sinupin dahil hindi birong halaga ang ginugol para rito ng Pamahalaang Panlalawigan.
Hindi lamang Multi-Purpose Bldg ang naipagkaloob sa Barangay Pantoc, dahil nauna na itong napagkalooban ng isang malaki at maayos na Basketball Gym na nagagamit na ng mga kabataan sa paglalaro, kaya hindi na sila nabibilad sa araw o nababasa ng ulan na kanilang ipinagpapasalamat sa ama ng lalawigan.