“Try and try until you succeed”, ito ang pinanghahawakang prinsipyo ni Jonalyn Asuncion, isa sa mga Novo Ecijanong sumubok na makahanap ng trabaho sa ginanap na Jobs Fair na handog ng Pamahalaang Panlalawigan  sa pangunguna nina Governor Aurelio Matias Umali at Congresswoman Cherry Domingo Umali, sa pakikipagtulungan ng Team Save Cabanatuan.

     Simula ng makapagtapos si Jonalyn ng kolehiyo ay lagi na umano siyang laman ng mga jobs fair na ginaganap sa iba’t ibang parte ng Lalawigan, ngunit ni minsan ay hindi pinanghinaan ng loob dahil sa pamilyang nagsisilbi niyang inspirasyon upang makamit ang pangarap sa buhay.

     “Be confident”, ito naman ang payo ng graduating student na si Sheena Marie Alo sa mga kapwa niya job seekers, na nakipagsapalaran upang ihanda na ang kanyang hinaharap pagkatapos ng kanyang graduation.

     Katuwang ang tatlumpu’t limang lokal na kumpanya at labing limang overseas recruitment agencies sa pagbubukas ng panibagong oportunidad para sa mga Novo Ecijano, na naghain ng tatlong libong job vacancies.

Aabot sa tatlong libong job vacancies ang inihain ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pakikipag-tulungan ng mga Lokal at Overseas Agencies sa bansa para sa mga job seekers, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-66 na taon ng Araw ng Cabanatuan.

   Aabot sa tatlong libong job vacancies ang inihain ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pakikipag-tulungan ng mga Lokal at Overseas Agencies sa bansa para sa mga job seekers, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-66 na taon ng Araw ng Cabanatuan.

     Ito ang kauna-unahang Jobs Fair na isinagawa ng PESO o Provincial Employment Service Office ngayong taon, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-66 na taon ng Araw ng Cabanatuan.

     Ayon kay Provincial PESO Manager Michael Calma, bumaba ang rating ng mga unemployed sa 6.1 percent noong nakaraang taon mula sa 7 percent unemployment rate noong taong 2014.

     Dagdag pa ni Calma, tinututukan nila ngayon ang tinatawag nilang job mismatch o ang hindi pagma-match ng trabaho sa natapos o skills na mayroon ang isang aplikante, upang mabigyang pansin at mabigyang katugunan para sa kapakinabangan ng mga Novo Ecijano.

     Ginarantiyahan naman ni 3rd District Ex-Board Member Doc. Anthony Umali, na legal at dumaan sa tamang proseso ang mga ahensyang nakiisa sa Jobs Fair.

Nakiisa sina Kapitan Ramon “Suka” Garcia at 3rd District Ex-Board Member Doc. Anthony Umali sa Araw ng Cabanatuan Jobs Fair, kasama si Provincial PESO Manager Michael Calma at iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Nakiisa sina Kapitan Ramon “Suka” Garcia at 3rd District Ex-Board Member Doc. Anthony Umali sa Araw ng Cabanatuan Jobs Fair, kasama si Provincial PESO Manager Michael Calma at iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

     Nag-iwan ng mahalagang mensahe ang dating bokal sa mga Cabanatueño at hinikayat ang mga job seekers na magkaroon ng paninindigan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa isang malinis at maayos na pamamaraan.

     Para naman sa mga naghahanap ng trabaho na hindi nakapunta noong lunes, abangan ang apat pang jobs fair na gaganapin ngayong taon na patuloy na ihahandog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Novo Ecijano. -Ulat ni Shane Tolentino