PINAKA MURANG SAPATOS PANG REGALO NGAYONG PASKO, MABIBILI SA SHOE –CASSA FOOTWEAR

Kapag pumasok na ang buwan ng december unang pinaghahandaan ay ang pang regalo para kay nanay,tatay,lolot lola at para kay ate, kuya at para kay bunso

Isa sa mga dinarayo dito sa kabanatuan ay ang trending na pinakamurang sapatos.

Kaya para sa mga ninang at ninong na gustong makatipid para panregalo sa mga inaanak ,tara na dito sa Shoe -Cassa Footwear na matatagpuan dito sa Kapt.Pepe Subd. Phase 2, Cabanatuan City.

Meron silang ibat ibang klase ng mga sapatos,sa halagang P998 mayroon kanang tatlong pares ng sapatos lahat ng klase, pwedeng pang lalake,babae,kahit pambata, any combination ay halos mabibili mo lang ng isang libo ang tatlong piraso.

Meron din silang sapatos na pang basketball na buy 1 take 1 sa halagang P1500 at sa halagang P799 meron ka namang dalawang sapatos.

Bukas din sila para sa mga reseller, wholesalers at meron din silang negosyo package na worth 8 thousand good for 22 pairs ng sapatos sa gustong kumita ngayong pasko, ito ay mga class a & premium na sapatos gawang Thailand.

Hindi na kailangan pumunta sa Divisoria, Baclaran o Quiapo dahil mas mura pa talaga dito sa Shoe -Casa dahil direkta ito galing sa pabrika mula Thailand kaya dinarayo ito ng mga taga ibang bayan at maging mga karatig lalawigan. gaya ng Dingalan Aurora, Baler, Tarlac, Bulacan at Pampanga.

Bukod pa sa mga bloggers na dinarayo para ma i promote ang pinaka murang sapatos sa Nueva Ecija

Ayon kay Jocelyn Balmater, kaya napakamura ng kanilang sapatos ay direct suppliers sila at hindi na sila umuupa ng kanilang pwesto dahil sarili na nila ito at di na binabayaran at higit sa lahat ay makatulong ito sa maraming tao na nag nanais na magkaroon at walang kakayahang bumili ng sapatos

Bukod sa pagnenegosyo ay makatulong sa iba ang kanyang layunin.

Ayon pa sa kanya ginagawa niya ito dahil ramdam niya ang mga munting pangarap ng hindi kayang bumili ng mahal na sapatos.

Hindi niya rin ikinahihiya at ipinagmamalaki na naranasan niya rin ang pinakamahirap na buhay, ang walang pambili ng sapatos ang kanyang magulang para sa kanilang magkakapatid dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay, kaya nais niyang ma i share sa iba ang kanyang munting tagumpay sa buhay na tinatamasa ngayon.

Kaya ngayong pasko bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang mamimili ay may malalaking diskwento siyang ibibigay,at hindi lamang diskwento isang bagsak presyo na sa halagang P100 ay may mabibili ka ng sapatos

Mayroon din silang inihandang regalo sa bawat bibili ng sapatos at may chance na manalo ng ng ibat ibang pa premyo.

Maliban sa sapatos ay mayroon din silang mga shorts,t shirts, jackets at sa mga mahihilig na mag paganda mayroon din silang mga beauty products na pang regalo ngayong pasko.