IMPORTASYON NG SIBUYAS, POSIBLENG ISUSULONG KUNG MANANATILING MATAAS ANG PRESYO NITO – DA

Posibleng isulong ang importasyon ng sibuyas kung hindi bababa ang presyo nito ayon sa Department of Agriculture.

Apela ni Jaeril Astrero, isang onion farmer mula sa Nueva Ecija, antayin muna sanang umani ang mga nag off season na magsisibuyas bago mag import dahil maaaring maapektuhan ang kanilang kita.

Dagdag pa ni Jaeril, mas malaki ang kanilang gastos ngayong off season dahil na rin sa paiba-ibang lagay ng panahon.

Umaabot na sa tatlong daang piso kada kilo ang sibuyas na ayon kay Jaeril, ay marahil bunsod ng kakulangan ng suplay ng sibuyas.

Sa imbentaryo ng Department of Agriculture, as of Nov. 22 ay mayroon pang nasa mahigit kumulang thirteen thousand metric tons ang supply ng sibuyas at madadagdagan pa ito pag umani ang mga nag off season ng Region 1 to 3 partikular na ang mga Probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Tarlac.

Panawagan ni Jaeril ay antayin muna sila umani bago mag import ng sibuyas ang Department of Agriculture.