SENSITIBONG BALITA

DALAWANG PAHINANTE NG TRUCK, TIMBOG SA BUY-BUST SA GAPAN CITY

Nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ang mga elemento ng Gapan City Police Station at Provincial Intervention Unit/PPDEU, Nueva Ecija Police na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency noong Nobyembre 29, 2022.

Naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Jessie Abesamis y Bote, alias “BIBOY”, 34 years old, may asawa, truck helper, residente ng Brgy Sinasajan, Peñaranda;

at Bartolome Fernandez y Escandallo alyas “TOMMY”, trentay otso anyos, binata, truck helper, tubong Purok Nangka, Brgy Poblacion, Maragusan, Davao De Oro, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Sto Tomas, Peñaranda, NE

Base sa report ng mga awtoridad, gumamit ng isang Php500.00 bill marked money ang pulis na nagpanggap na buyer at nakabili ito ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek na nagsabwatan sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa isinagawang body search, tatlong piraso pa umano ng plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money ang nakumpiska kay “BIBOY”, habang tatlong (3) piraso ang nakuha mula kay “TOMMY”.

Tinatayang may bigat na 0.7 gram at halagang Php4,760.00 piso ang narekober na iligal na droga.