SUPPLY NG KARNENG BABOY AT MANOK, SAPAT HANGGANG KAPASKUHAN

Tiniyak ng Department of Agriculture na may sapat na supply ng manok at karneng baboy ngayong kapaskuhan , pero inaasahang tataas pa ang presyo nito lalo na at papalapit na ang holiday seasons at tataas ang demand nito..
Sa ngayon ang presyo ng karne ng baboy ay nasa P320 ang kilo ng liempo
Sa buto buto pang sigang P280 pata P280-P320

Sa manok ay nasa P180 bawat kilo at sa atay balon balonan P180 nasa P100 naman ang paa at ulo
Samantala
Sa gitna ng banta ng Bird Flue habang papalapit ang pasko patuloy parin ang pagtaas ng presyo ng itlog na hindi lamang paborito ng mga pilipino ay karaniwang sangkap ito para sa handa sa noche Buena

Bago pa pumasok ang bermonth ay nasa P4 peso lamang ang small size ng itlog pero ngayon ay nasa P8 na pati ang itlog na pula ay tumaas narin nasa P13 na dating nasa P11

Isa sa tinamaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog ang tindera ng leche plan

Dahilan umano ng pagtaas ng presyo ng itlog at manok ay ang taglamig nakakaapekto sa production nito at ang birdflu dagdag pa ang pagmahal ng pagkain o patuka nito