Itinumba ng riding in tandem ang isang tanod na diumano’y sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa barangay Tikiw, bayan ng San Antonio.

Bumulagta ang barangay tanod na si Conrado Talens matapos pagbabarilin ng tandem sa compound ng barangay hall ng Tikiw, San Antonio.
Napag-alaman na kabilang sa drug personalities na minamanmanan ng San Antonio Police Station ang biktimang si Conrado Talens y de Guzman alyas Ado, 54-anyos, hiwalay sa asawa, at residente ng Purok tres ng naturang barangay.
Base sa report ng pulisya, 7:30 ng gabi, naghuhugas ng kamay ang biktima sa gripo sa compound ng barangay hall ng Tikiw nang bumaba mula sa isang kulay blue Yamaha Sniper motorcycle ang dalawang lalaki na kapwa kargado ng caliber .9mm at bigla na lamang pinagbabaril si Ado.
Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agad na kamatayan. Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala at isang deformed slug ng .9mm.
Cabanatuan City- umaabot sa Php 189, 000.00 na cash, assorted na mga alahas na hindi pa natutukoy ang halaga, at isang caliber .38 revolver ang natangay sa hinoldap na BHF Pawnshop-Cabanatuan Branch matatagpuan sa AMWSLAI Building, barangay Sangitan East.

Ang BHF Pawnshop-Cabanatuan Branch na pinasok ng holdaper kung saan natangay ang Php189, 000.oo, assorted jewelries, service firearm ng security guard.
Ayon sa imbestigasyon ng Cabanatuan Police Station, 3:00 ng hapon nang maingat na pumasok sa sanglaan ang suspek na armado ng hindi natukoy na baril.
Tinutukan umano ng baril ng suspek ang manager na si Cristina Villareal y Cajucom, assistant manager na si Daisy Camugao y Punzal, at security guard na si Michael delos Santos y Accad pagkatapos ay iginapos ang assistant manager, at guard gamit ang isang plastic strap.
Matapos makuha ng suspek sa vault ng pawnshop ang mga salapi, mga alahas, at service firearm ng guard ay mabilis itong sumakay ng tricycle at tumakas.
Cabiao- sinusundang anggulo ng mga otoridad ang alitan sa lupa na posibleng dahilan ng pagpaslang sa isang sitenta’y otso anyos na biyudo sa barangay Palasinan.

Pinaniniwalaang dahil sa alitan sa lupa kaya pinaslang si Mario Mangilit sa Palasinan, Cabiao.
Binaril sa ulo ang biktimang si Mario Mangilit y Cauyao, residente ng naturang lugar.
Batay sa ulat ni P02 Patrick delos Santos, 10:00 ng umaga, habang papauwi ang biktima na nagpa-xerox ng titulo ng lupa nang harangin ng dalawang lalaki.
Nakipag-usap pa umano ang dalawang suspek sa biktima bago bumunot ang isa ng kalibre .45 baril at pinaputukan ng isang beses ang biktima.- ulat Clariza de Guzman.