EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA ISKOLAR NG KAPITOLYO SA SAN LEONARDO, NAIBIGAY NA
Tumanggap na ng educational financial assistance ang 46 na iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan sa ginanap na Awarding of Stipends sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija nitong Sabado, November 12.
Personal na iniabot ng mga empleyado ng Provincial Treasurers Office katuwang ang Public Affairs and Monitoring Office ang halagang P2,500 na tulong pinansiyal sa mga mag-aaral para sa 2nd semester ng S.Y. 2021-2022.
Ayon kay Ramon Carl de Guzman, 3rd year student sa Wesleyan University of Philiippines na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy, malaking tulong ang ipinagkaloob ng kapitolyo sa kanyang pag-aaral dahil simula nang magkapandemya ay hindi na gaano pang nakapagtatrabaho ang kanyang mga magulang.
Sa kaparehong kurso rin nakapagtapos ng pag-aaraal si Sophia Avigail Nieto mula sa Central Luzon State University kung saan mula 1st year college ay naging sandalan nito ang ibinibigay na allowance ng probisiya sa tuwing siya ay kinakapos sa mga gastusin sa eskwelahan. Ngayon, ang kanyang nakuha ay gagamitin sa pagrereview ng board exam.
Para naman kay Salome Palon, malaking bagay sa kanya bilang magulang ang may katuwang sa pagpapaaral ng kanyang anak lalo na’t bihira lamang magkaroon ng trabaho ang kanyang asawa.
Sa tala ng PAMO, nagsimulang magpamigay ng stipend sa nasabing semester noong September 17, 2022 kung saan nakapagpamahagi na sa 22 na munisipalidad as of November 16, 2022.
Inaasahan na matatapos ang pamimigay ng educational assistance sa mga bayan ng San Isidro, General Tinio, Cabanatuan City, Penaranda, Gapan, at Jaen hanggang Disyembre ngayong taon.
Samantala, nakatakdang magpamigay ng nasabing tulong pinansiyal sa San Antonio at Cabiao sa darating na Sabado, November 19, 2022 na gaganapin sa Municipal Gym ng mga naturang bayan