PANGAKONG MAGSASAMA SA SAKIT MAN O KALUSUGAN, ISINABUHAY NG MAG-ASAWANG ISHI AT EDMARK
Ibinahagi ni Bother Edmark at Ishi Banghulo sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit, kung paano nila patuloy na pinaglalaban ang kanilang pagmamahalan sa gitna ng matinding karamdamang pinagdadaanan ni Edmark sa tulong at gabay na rin ng Panginoon.
Kwento ng mag-asawa kay Dra. Kit at guest co-host na si Joy Senados, tutol man ang kanilang mga magulang dahil sa malubhang sakit ni Edmark ay hindi naman ito napigil ang kanilang pag iibigan.
Dumating pa sa punto na lugmok man sa karamdaman si Edmark at kasalukuyang nasa ospital at nakaratay ay nagawa pa rin nitong mag propose kay Ishi na agad na tinanggap ng kanyang asawa.
Kwento ni Edmark at Ishi, sa ngayon ay parehas na silang tila tinakwil ng kanilang pamilya dahil sa hirap ng gastos ng dialysis ni Edmark ngunit ayon sa mag-asawa ay patuloy silang ginagabayan at pinapanatiling matatag ng Panginoon.
Pasasalamat naman ang tanging mensahe ni sister Ishi, bagaman nahihirapan sa kanilang sitwasyon ay naniniwala naman siya na kaloob pa rin itong biyaya ng Panginoon.