Opisyal ng inilipat ng Alloy MTD-Philippines ang pangangalaga ng bagong Government Building sa Palayan City sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija , na nakatakdang okopahan ng mga tanggapan at ahensya ng gobyerno na nasa old Capitol compound, Cabanatuan city.

MTD-PHILIPPINES OPISYAL NANG ITINURN OVER ANG GOVERNMENT BUILDING SA PALAYAN CITY SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, NA OOKOPAHAN NG TANGGAPAN AT AHENSYA NG GOBYERNO SA OLD CAPITOL COMPOUND, CABANATUAN CITY.

   Pinangunahan nina Governor Czarina “Cherry” Umali, Palayan City Mayor Adrianne Cuevas, at Patrick Nicholas David ng Alloy MTD-Philippines, ang Ribbon Cutting Ceremony ng apat na gusali.

RIBBON CUTTING CEREMONY, PINANGUNAHAN NINA GOV, “CHERRY UMALI, ADRIANNE CUEVAS AT PATRICK NICOLAS DAVID NG ALLOY MTD-PHILIPPINES.

RIBBON CUTTING CEREMONY, PINANGUNAHAN NINA GOV, “CHERRY UMALI, ADRIANNE CUEVAS AT PATRICK NICOLAS DAVID NG ALLOY MTD-PHILIPPINES.

   Sa mensahe ni Gov. Cherry Umali, ang pagkaka-turn over ng gusali sa pamahalaang panlalawigan ay maituturing na isang pambihirang tagumpay na maghahatid ng malaking pagbabago  para sa lalawigan at oportunidad para sa mga Novo Ecijano.

   Anumang araw ay maaari ng lumipat ang mga tanggapan at ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Education, Red Cross, (NBI) o National Bureau of Investigation, (CIDG) o Criminal Investigation and Detention Group, (DFA) o Department of Foreign Affairs, at iba pa.

   Ang Government Building na ito ay isa sa apat na gusali ng kauna-unahang Business Hub sa probinsya na ipinatayo sa ilalim ng Joint Venture ng Alloy MTD-Philippines, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Pamahalaang Panglungsod ng Palayan City.

GOVERNMENT BUILDING, KAUNA-UNAHANG BUSINESS HUB SA PROBINSYA NA NAIPATAYO SA ILALIM NG JOINT VENTURE NG ALLOY MTD-PHILIPPINES: PAMAHALAANG PANGLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA AT PAMAHALAANG PANGLUNGSOD NG PALAYAN CITY.

   Ang isang gusali na gagawing Commercialized Hotel ay mayroong isang daan at dalawampung kwarto, habang limang libong Call Center Agents naman ang nakatakdang umokopa sa dalawang gusaling gagawing Business Process Outsourcing Center.

   Inaasahang makagagawa ng labing tatlong libong trabaho ang Business Hub na ito na pangunahing prayoridad ay mga Novo Ecijano. ULAT NI MYRRH GUEVARRA.