SENSITIBONG BALITA
KARPINTERO, DRIVER, JANITOR, KINASUHAN SA PAGLALARO NG TONG-ITS
Nagsagawa ng Anti- Illegal Gambling Operation ang Intel Operatives ng Bongabon Police Station sa Brgy., Sinipit, Bongabon, Nueva Ecija noong Nobyembre 12, 2022.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina MARLON VILLAS y Nacionales, 49 years old, karpintero, residente ng Sumacab Sur, Cabanatuan City; RICHARD PAULINO y Roque, may asawa, 51-anyos, driver, naninirahan sa Barangay Sisilang, Bongabon; at ESMERALDO CONCEPCION y Subong, edad 62, may asawa, janitor, at residente ng Brgy., Sinipit Bongabon.
Base sa report ng Nueva Ecija Provincial Police, bandang alas-3:40 ng hapon nahuli sa akto ang mga suspek habang naglalaro ng Tong-Its.
Nakumpiska umano sa mga ito ang isang deck ng playing cards o mga baraha, taya nilang pera na nagkakahalaga ng Php955.00, apat na piraso ng upuan, at isang mesang kahoy.
Dahil sa pagsusugal ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek.