NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, PASOK NA SA FINALS NG NORTH DIVISION

Muling pinatunayan ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang kanilang tapang at tibay sa depensa matapos na patayin ang ilaw ng Giant Lantern ng Pampanga sa kanilang best of 3 sa semifinals North Division para maitala ang 2-0 at mapanatili ang 25 wins at wala pang talo.

Tinalo ng Vanguards sa game 1 ang pampanga giant lantern sa score na 104-89 na may homecourt advantage na ginanap sa Nueva Ecija Coliseum.

At sa game 2 na ginanap naman sa San Juan City sa score na 89-84 para masiguro ng Nueva Ecija ang pagpasok sa finals ng North Division.

Tinanghal na best player si Michael Mabulac na may 23 points. 10 reb. 3 assist 1stl 1 block. kasama si Byron Villarias na may 16 points 6 rebound 1 assist.

Makakatapat naman nila sa finals ang San Juan Knights go for gold na tinalo naman ang Pasig City sa kanilang best of 3 para sa 2-0 standing sa semis ng North Division.

Ang 1st game ng North Division Finals sa laban Ng Nueva Ecija Rice Vanguards at San Juan Knights go for gold ay sa biyernes Nov.18, 2022 6:30pm sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.