Mas mahabang balota raw ang aasahan ng mga botante sa Halalan 2019 ayon sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa malaking bilang ng mga naghain ng kanilang kandidatura.

Ayon kay Comelec commissioner Rowena Guanzon, walang magagawa ang mga boboto sa darating na halalan kung hindi tiyagain ang inaasahan na mahabang listahan ng mga kandidato.

“Ang haba ng balota pero wala tayong magagawa, that’s democracy,”

Sa pagsasara ng filing ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and Acceptance nitong Miyerkules, pumalo sa 108 ang bilang ng mga naghain ng kandidatura para sa posisyon ng governor, habang 69 naman sa vice governor.

READMORE AT: http://www.bomboradyo.com/comelec-mahabang-balota-asahan-sa-2019-elections-dahil-sa-dami-ng-kandidato/ http://www.bomboradyo.com/comelec-mahabang-balota-asahan-sa-2019-elections-dahil-sa-dami-ng-kandidato/