NUEVA ECIJA YOUTH FESTIVAL, PINAKAMALAKING PAGTITIPON NG MGA KABATAAN SA LALAWIGAN
Naglunsad ng pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataan sa lalawigan na tinguriang Nueva Ecija Youth Festival noong nakaraang Oktubre 26, hangang Oktubre 28, 2022.
Pinangunahan ni Pastor Khing Meneses ang Opening Prayer at Brother Ezer Maducdoc na sinundan ng cutting of ribbon na naging hudyat ng pagbubukas ng festival sa Freedom Park Cabanatuan City.
Punong-puno ng kasiyahan at pagkakaisa ang Freedom Park sa unang araw pa lamang ng Youth Festival sa pagsalubong ng masiglang tugtugin ng Tribo Ecijano.
Binuksan din sa unang araw ang tinawag na Mercato a 3 day bazaar sa loob ng Glorieta Freedom Park na may masasarap na pagkain, mga nakakatakam na inumin mga damit at accessories at magdamagang tugtugan ng banda.
Ang Nueva Ecija Youth Festival ay may iba’t-ibang kaganapan gaya ng Talentum Grand Showdown Singing at Dance Competition; Cinema Ecija: A Short Film Competition;
Likhang Lente: Photo Contest;
Pulong Kabataan: Youth Conference,
Mercato:Kainan, kantahan, kabataan;
You Night: gabi ng pagkakaisang kabataan.
Sa ginanap na Youth Night ay may mga inihandang masasarap na pagkain at inumin, at nagkaroon ng tugtugan ng iba’t-ibang local band na pinangunahan ng banda ng Gramco, Polaris na isang Alternative Rock Band na nabuo noong 2020 mula sa Lungsod ng Cabanatuan, Hezekiah na mula sa pangalan ng kanilang bokalista na nabuo sa Solomons Excellence Academy taong 2012, Agape Band na nangangahulugang God is love na gusto nilang ibahagi sa iba, Agsunta band at marami pang iba.
Layunin na ipamalas ang galing ng mga kabataang Novo Ecijano at palakasin ang pwersa ng mga kabataan sa lalawigan sa ilalim ng programang ito ng Provincial Government of Nueva Ecija at ng Sanguniang Kabataan sa Lalawigan.