Nagpasiklaban sa pagrampa ang 44 na kalahok ng kauna-unahang Nueva Ecija Glamour Model “The Creative Wear Competition” 2018.
Umpisa pa lamang ay nagmistula nang mga buhay na manikin ang mga modelo sa suot na Barbie and Ken Doll Style.
Sumunod na inirampa ng mga kalahok ang Arabian Style Wear.
Sa pamamagitan ng dilaw na tela ay kaniya-kaniya ng style ng damit ang ipinakita ng mga kandidato at kandidata sa High Fashion Wear.
At ang huling kategorya ay ang Feather Creative Wear na sinukat ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng paggamit ng materyales na mula sa mga balahibo ng ibon.
Mula sa 19 na lalaking kalahok at 25 babaeng kalahok ay pinili ang Top 10 Male and Female Candidates na nagkaroon ng pagkakataon na mapili bilang mga kampeon.
Sa dulo ng kompetisyon ay lumutang sina #16 Ian Carlo Presentacion at #18 Shaira Mae Hernandez bilang 5th Runner Up; #2 Lester Miayo at #7 Rachelle Brina bilang 4th Runner Up; #13 Jake Allen Batas at #23 Daicy Rozz Jordan bilang 3rd Runner Up; #9 Vien Gabriel Padilla at #17 Ishhi Angeline Carillo bilang 2nd Runner Up; at #15 Noah Ramada at #20 Princess Margarette Espineda bilang 1st Runner Up.
Mr and Ms Tourism sina #8 Jay R Cariaga at #22 Merydelle Villa; Mr and Ms International sina #4 Ericson Laurel at #16 Julianne Valera; Mr and Ms Earth sina #10 Arjay Ramos at #24 Wenche Day Miguel; Mr and Ms Universe sina #18 John Robin Apolonia at #5 Charlene Lajom; at itinanghal na Nueva Ecija’s Glamour Model 2018 Grand Winner ay sina #12 Justine Marcelo at #3 Daniella Villar.
Ayon kay Ranz Gonzales, Event Coordinator, ang kompetisyon ay handog ng Rap Modeling Production na naglalayon na makadiskubre at mabigyan ng pagkakataon na mahasa pa ang mga kabataan na may talento sa larangan ng pagmomodelo.
Dahil sa bumuhos na suporta ng patimpalak ay lubos na nagpapasalamat si Gonzales sa mga tumulong na sponsors.
Ang susunod naman na paka a-abangan ang Nueva Ecija Glamour Model Gays and Kids Edition na malapit ng magsimula. –Ulat ni Danira Gabriel