Tinanggap na ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali ang tseke na nagkakahalaga ng P1.5 M bilang counterpart ng ahensiya sa ibabang livelihood projects sa mga Novo Ecijano.

   Nagkakahalaga ng P1.5 M ang cheke na iniabot ni Department Of Labor and Employment (DOLE) Provincial Director Maylene Evangelista kay Gov. Cherry Umali, bilang counterpart ng ahensiya sa livelihood projects na ipagkakaloob sa lalawigan.

   Ayon kay PD Evangelista, ang P1.5 M ay 80% ng halos P2 M na proyektong pangkabuhayan na mapapakinabangan ng mga Novo Ecijano. Habang ang natitirang 20% ay magmumula naman sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan.

   Aniya, hindi magkakaroon ng katuparan ang proyekto ng ahensiya kung walang  Local Government Unit(LGU) na sumusuporta sa kanila.

   Sinuguro naman ni Gov. Cherry Umali, na laging handang makiisa ang kapitolyo sa mga ahensiya ng gobyerno, upang magtulungan sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

   Pinuri at pinasalamatan din ni Gov. Umali, ang mga Provincial Employment Services Office (PESO) Managers ng probinsiya dahil sila aniya ang nagsisilbing tulay upang maibaba ang mga proyekto ng lalawigan.

   Samantala, matapos ang Awarding of Cheque ay sinimulan na rin ng PESO ang kanilang Ikalawang Supervisory Development Course (SDC) Track.

   Ang naturang seminar ay pinondohan din ng Pamahalaang Panlalawigan.

   Ito ay naglalayon na magbigay ng kasanayan sa mga PESO Managers upang mas lalo pang malinang ang kanilang kakayahan sa pagganap sa mga tungkulin. –ULAT NI DANIRA GABRIEL