RIDE GUARDIAN COMMUNITY-NUEVA ECIJA SECTOR, NAGLUNSAD NG KAUNA-UNAHANG TRAINER’S TRAINING

Pinangunahan ng RGEN Nueva Ecija ang kauna-unahang Training of Trainers noong nakaraang linggo October 16, ang kauna-unahang training ng ride guardian community na ginanap sa bayan ng Guimba Nueva Ecija.

Ayon sa BOD ng RGComunity na si RG Neil Crispe, ang Ride Guardian Community ay grupo ng mga motorcycle riders all over the Philippines na binubuo ng different subgroups, gaya ng RG Mechanics, RGAirwaves, RGSNIPERS, RG Emergency Response Team, RG Mother Earth at RG Charities.

Layunin nito ay to spread kindness sa buong komunidad at magpalaganap ng kaalaman patungo sa pagiging responsableng pagmamaneho, pagtulong sa kapwa riders lalo na kapag may nasiraan sa daan at pagiging handa sa panahon ng kalamidad para makatulong sa kumunidad.

Sa pangunguna ng BOD111 ng Ride Guardian Community na si RG Neil Crispe sa tulong ng Sector Head ng Nueva Ecija na si Joane Cruz at Subsector Head ng unang distrito ng Nueva Ecija na si Elbert Culala, nailunsad ang naturang Training of Trainers kung saan itinuturo sa mga susunod na mga trainors ang tamang pagmamaneho para maging defensive riders para maiwasan ang aksidente at para sa susunod na mga trainings ay sila naman ang magtuturo sa kapwa riders.

Dinaluhan Ito ng humigit kumulang 60 participants mula sa iba’t ibang probinsya tulad ng Baguio, Pangasinan, Pampanga at Bulacan na naglalayong i-maintain ang standard ng pagtuturo ng kaalaman sa mga riders.

Sa kasalukuyan ang RG Community ay halos nasa 40,000 members.

Ang Kanilang Susunod Na Batch 59 Free Road Safety and Skills enhancement training ay sa Nov.13, 2022 8am to 5pm na gaganapin sa Brgy. Burgos Montalban, Rizal.

Sa mga interesadong sumali sa Ride Guardian Community, maaaring mag join sa FB group na RGEN NUEVA ECIJA.