TAAS PASAHE, INIHIHIRIT NG ILANG TRANSPORT GROUP KASUNOD NG PAGSIPA NG PRESYO NG PETROLYO
Muling nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo kahapon araw ng Martes Oktubre 18, 2022.
Epetibo ang taas presyo na P2.79 sa kada litro ng diesel at walumpong sentimo naman o 80 centavos sa gasolina at P2.90 naman kada litro sa kerosene.
Kaya naghain ng panukala ang ilang transport group sa LTFRb na itaas ang pasahe sa NCR tuwing rush hour dahil umano sa malaking kunsomo nila sa diesel sanhi ng sobrang traffic kapag sabay-sabay pumapasok at nag-uuwian ang mga pasaheros.
Hiling nila na magdagdag ng piso sa mga ordinary at modern jeepneys at dalawang piso naman para sa mga city bus.
Una nang sinabi ng LTFRB na walang aasahang taas pasahe dahil katataas lang nang nito.
Ngunit posibleng magtaas ng pasahe ang ilang mga kumpanya ng bus na mga biyaheng probinsiya bago mag undas.