NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, NAITALA ANG ANG 21 WINS RECORD SA ELIMINATION ROUND NG WALANG TALO

Nakompleto ng Vanguards ang ika 21 panalo at walang talo sa elimination round ng mpbl 4th season out of 22 teams na nagtala sa kasaysayan na kauna-unahang team sa MPBL na mayroong 21 straight wins matapos na padapain ang Batangas City sa score na 84-72 sa kanilang laban noong nakaraang biyernes Oktubre 7, 2022 sa hindi mahulugang karayom na Nueva Ecija Colesium sa dami ng Novo Ecijano na sumoporta sa Vanguards.

Tinanghal na best player si Byron Toto Villarias para pangunahan ang ang Nueva Ecija na may 16points, 5 rebounds, 5 assists and 2 stl.
Sa tulong naman nila Will Mcaloney na may 14 points, at 6 reb; Michael Mabulac na may 9 points, at 9 reb; at Renz Palma na homegrown from Aduas Cabanatuan City na may 9 points, at 7 reb.

Muling maglalaro sa homecourt ang Rice Vanguards sa Oct. 15 na gaganapin Sa Nueva Ecija Colesium, para sa quarter finals best of 3. Makakalaban nila ang nasa top 8 sa north division, kung sino sa Marikina o Caloocan ang kanilang makakalaban.