P529 MILLION NA AYUDA SA MGA CANCER PATIENT, MAGAGAMIT NA!
Magagamit na ng Department of Health ang Cancer Assistance Fund na nagkakahalaga ng P529.2 million upang matulungan ang mga pasyente na dinapuan ng cancer na magiging epektibo hanggang December 31, 2023.
Ito ay matapos na lumagda sa isang joint memorandum circular sa Cancer Assistance Fund (CAF) ang DOH at Department of Budget and Management o DBM para sa panuntunan ng paggamit nito.
Sinabi ng DBM na ang alokasyon ay kasama sa 2022 budget ng DOH sa ilalim ng Republic Act 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act na nagbibigay ng suporta sa mga cancer patients.
Sakop ng programang ito ang outpatient at inpatient ngunit limitado sa diagnostic test, therapeutic procedures at mga gamot.
Maaaring pumunta ang mga pasyente sa mga DOH Hospital at iba pang health facilities sa bansa tulad na lamang ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Reaserch and Medical Center, Cabanatuan City sa Nueva Ecija.