Naglunsad ng kilos-protesta ang MARTYR-NE o Mothers and Relatives Against Tyranny kasama ang AMGL-NE o Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, at RMP-NE o Rural Missionaries of the Philippines sa harap ng Bulwagan ng Katarungan sa Cabanatuan City kung saan nanawagan ang mga nasabing progresibong grupo na palayain ang lahat ng political detainees sa bansa.

Nagsama-sama ang pamilya at mga tagasuporta nina Guiller Cadano, Gerald Salonga, at iba pang political detainees sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice sa Cabanatuan City.

Nagsama-sama ang pamilya at mga tagasuporta nina Guiller Cadano, Gerald Salonga, at iba pang political detainees sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice sa Cabanatuan City.

   Ang nasabing aktibidad ay hudyat umano ng pagsisimula ng mga serye ng pagkilos bilang seryosong pakikiisa sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa hanay ng National Democratic Front of the Philippines at gobyerno ng Pilipinas.

   Itinaon ang kilos-protesta sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkakakulong nina Guiller Cadano at Gerald Salonga kapwa miyembro ng Kabataan Partylist na diumano’y dinukot ng mga militar at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso.

   Isinabay sa paggunita ng ikalawang taon ng pagkakahuli at pagka-bilanggo kina Cadano, at Salonga ang pagbubukas ng kampanya sa pagsusulong ng pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.

Isinabay sa paggunita ng ikalawang taon ng pagkakahuli at pagka-bilanggo kina Cadano, at Salonga ang pagbubukas ng kampanya sa pagsusulong ng pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.

   Ayon sa Secretary General ng MARTYR-NE na si Amador Cadano, ama ni Guiller, nakipagdayologo ang kanilang grupo kay Provincial Prosecutor Carmelito Mangulabnan na naging maayos naman aniya ang pagtanggap sa kanila.

   Ngayong araw, August 10, 2016 ay bubuksan ang photo art exhibit para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal sa Auditorium ng Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan Campus kasunod ang isang forum.- ulat ni  Clariza de Guzman