MGA KOMPANYA NG LANGIS, BUMAWI SA LIMANG MAGKAKASUNOD NA TAPYAS PRESYO SA PETROLYO
Bad news para sa mga motorista ang taas presyo ng gasolina.
Kahapon ng alas sais ng umaga October 11, 2022 nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Pagkatapos ng limang sunud-sunod na linggo ng tapyas presyo ay biglang bawi naman kahapon.
Dahil tumaas ng p6.85 bawat litro sa production, ang presyo ng diesel, at gasolina ay p1.20 bawat litro at p3.50 naman sa kerosene.
Ang kabuuang itinaas sa presyo ng krudo ngayong taon, sa Diesel P35.80 bawat litro, sa gasolina ay P15.65 at P26.75 naman sa Kerosene.
Ang dahilan ng pagtaas ay dahil sa pasya ng Organizations Of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang oil production ng 2 million barrels bilang suporta sa bumababang presyo ng langis dahil sa agresibong pagpapatupad ng U.S ng kanilang interest rate hike at ang palitan ng piso sa dolyar.
Inaasahang iiyak na naman ang mga namamasadang jeepney drivers dahil ngayon palang sana sila makakabangon simula nang magsunod-sunod ang bawas presyo noong nakaraang linggo, yun pala ngayong linggo saka naman sila muling babagsak.
Kaya hiling naman ng ilang transport group sa DOTR at LTFRB na muling itaas ang pasahe at sana maibalik o ipagpatuloy ang na lang ang Service Contracting Program ng gobyerno na libreng sakay tulad noong panahon ng pandemya para matulungan ang mga pasahero particular ang mga estudyante na araw araw pumapasok sa eskwela.
Subalit sagot ng LTFRB ubos na umano ang kanilang pondo para sa pantawid pasada program at giit pa nila na wala naring inaasahang panibagong dagdag pasahe sa susunod na anim na buwan.