SENSITIBONG BALITA
43-ANYOS NA ELECTRICIAN SA CABANATUAN CITY, DINAKIP SA BUY-BUST OPERATION
Nagsagawa ng Anti-Illegal Drugs Buy Bust operation ang pinagsamang operatiba mula sa Station Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan City Police, Nueva Ecija Provincial Drug Enforcement Unit /Police Intervention Unit at PNP Drug Enforcement Unit sa Berong St., Brgy. Sanbermicristi, Cabanatuan City noong Oktubre 11, 2022 bandang 11:30 PM.
Kinilala ang suspek na si CHRISTOPHER ANGELES y Mateo, 43, lalaki, may asawa, electrician, at residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng PIO-NEPPO, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu mula sa suspek gamit ang isang (1) five hundred peso bill bilang pre-marked buy-bust money.
Nakumpiska umano kay Angeles ang isa pang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinagsususpetsahang shabu kasama ang marked money na nakuha mula sa kanya.
Ang kabuuang nasamsam na illegal na droga galing sa suspek ay humigit-kumulang 0.4 gram na may tinatayang halagang P2,720.00.
Dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa istasyon ng pulis ng Cabanatuan para sa kaukulang disposisyon.
Kaugnay nito, inihayag ni PCOL RICHARD V CABALLERO na patuloy na itataguyod ng NEPPO ang panuntunan ng batas, anuman ang maaaring makaharap nila sa pagpapatupad nito basta naaayon ito sa batas.