MAGSASAKA SA CABIAO, NAKABAYAD NG UTANG DAHIL SA PFC; PALAY, NABILI NG P17.10

Malaking bahagi ng kanilang utang ang nabayaran ng magsasaka mula sa Brgy. Sinipit, Cabiao dahil sa pagkakabili sa kanilang palay ng kapitolyo sa halagang P17.10 kada kilo.

Ayon kay Loida Nepomuceno, umaaray na ang mga magsasaka dahil sa sobrang taas ng pataba sa merkado kasunod pa ang paghagupit ng kalamidad dahilan kung bakit kaunti lamang ang kanilang naani ngayong tag-ulan.

Inaasahan sana niya na makakakuha ng nasa 250 kabang palay na may variety na 216 sa kanilang 3 hectares na bukirin ngunit 220 kaban lamang ang kanyang naani.

Aniya, kung wala ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali ay mapipilitan silang ibenta ang kanilang ani sa mga traders na kumukuha lamang sa presyong P16 bawat kilo.

Laking pasasalamat ni Loida sa gobernador dahil malaking tulong ito sa kaniyang pamilya at hiniling nito na maipagpatuloy pa ang programa na Provincial Food Council upang mas marami pang magsasaka ang makinabang.