RELIEF, EVACUATION CENTER, IPINAABOT NA TULONG NG KAPITOLYO SA ALIAGA AT GAPAN CITY
Sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding ang bagong Barangay Hall na kaloob ng kapitolyo ang nagsilbing evacuation center ng mga taga Barangay San Juan, bayan ng Aliaga.
Malaking pasasalamat ni Kapitana Felomina Miranda kay Governor Aurelio Umali At Vice Governor Doc Anthony Matias Umali sa bagong gusaling barangay hall na nagamit nilang silungan noong nanalanta ang malalakas na hangin at ulan na dala ni Karding.
Napakarami umano ang mga lumikas sa kanyang mga kabarangay dala ng takot na mawasak ang kanilang mga bahay at walang masilungan.
Dahil sa matatag at matibay na pagkakagawa ng barangay hall ay ito ang una nilang pinuntahan para maging safe ang bawat isa sa kanila.
Kaya noong nakaraang Martes Oktubre 4, 2022 ay ginawa ang inagurasyon at blessings sa naturang building na pinangunahan ni Vice Governor Doc Anthony, Bokal Rap-Rap Villanueva at Bokal Eric Salazar kasama si Vice Mayor Win Javaluyas ng Aliaga at mga konsehal.
Pagkatapos ng inagurasyon ay namahagi rin ng bigas sa walong barangay. Ito ay ang Brgy.Umangan, San Felipe Matanda, San Felipe Bata, San Juan, San Pablo Bata, Poblacion Centro, East II, at Brgy Magsaysay na halos nasa pitong libong packs ng bigas na handog ng kapitolyo.
Maging noong Oct. 1 2022 ay nauna nang nagkaroon ng relief operation ang Pamahalang Panlalawigan sa Gapan City sa pangunguna pa rin ng bise gobernador na sinalubong naman ni 4th district Congressman Emeng at Mayor Joy Pascual kung saan halos sampong libong packs ng bigas ang naibigay.
Ayon sa bise gobernador sa pamamagitan ng hiling ni Gov. Oyie sa Sanguniang Panlalawigan na maideklara uner state of calamity ang Nueva Ecija ay nagtulong-tulong ang mga bokal na maipasa ito para mabigyan ng pagkakataon ang mga Novo Ecijano sa nararamdamang sakit dulot ng pinsala ng bagyong karding lalo na ang mga magsasaka.
Lubos naman ang pasasalamat sa kapitolyo ng mga nakatangap ng bigas dahil malaking bagay ito para sa kanila na mayroon silang bigas na maisasaing pag-uwi