5 BESES NA ROLLBACK NG PETROLYO, IPINATUPAD KAHAPON

May bawas presyo sa diesel P.45 cents sa gasolina ay P.40 at ang pinakamalaki ay ang kerosene na may P.85

Ayon sa department of energy mas malaki pa sana ang rollback kung nakabawi ang piso kontra dolyar dahil malaki ang epekto nito sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil lahat ng supply ng bansa ay nanggagaling sa abroad.

Dagdag pa ang mababang tapyas ng mga taga industriya ng langis dahil rin umano sa mahal ng freight at premium.

At kung mag desisyon ang OPEC, Organisations of Petroleum Exporting Countries ngayong linggo na muling bawasan ang produksiyon ng langis ng isang miliong bariles, inaasahang tataas ulit ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.