TAU GAMMA PHI, IPINAGDIRIWANG ANG 54TH FOUNDING ANNIVERSARY
Isa sa mga taunang aktibidad ng Tau Gamma Phi sa Nueva Ecija sa kanilang anibersaryo ang motorcade sa Cabanatuan City.
Ang Tau Gamma ay itinatag noong Oktubre 4, 1968 ng anim na mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City.
Lumaki ang membership nito matapos pagtibayin ang pangalang Tau Gamma Phi na may letrang griyego
Makalipas ang ilang taon, naitatag ang mga chapters nito sa iba pang mga kampus sa kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Layunin ng Tau Gamma ang makita ang isang fraternity system na walang karahasan na lumaganap sa kampus ng unibersidad sa panahon ng pagkakatatag nito.
Upang maiwasan ang elitismo, at taimtim na itaguyod ang mga prinsipyo ng kapatiran nang walang impluwensyang pampulitika.
Ang Tau Gamma Phi ang isa sa may pinakamalaking internasyonal na fraternity.
Tinatawag na Tau Gamma Sigma na kilala rin bilang Triskelions’ Grand Sorority ang mga babaeng miyembro nito.