Inireklamo ng mga botante ang kanilang mga naranasang iregularidad sa katatapos na halanan nitong May 13 Midterm election.
Sa interview ng Balitang Unang Sigaw kay Peter, hindi tunay na pangalan, nagulat sya ng makita nyang si Myca Vergara ang lumabas sa resibo ng Vote Counting Machine samantalang si Philip Piccio ang ibinoto nya.
Itinuloy umano nya ang reklamo sa Board of Election Inspectors kahit na parang pinahihinha ng mga ito ang kanyang loob.

Ikinuwwento naman ni Governor Elect Aurelio Umali na maging ang panganay nilang anak ni Governor Czarina Umali na first time bumoto ay nakatanggap ng balota na pre-shaded na o naitiman na ang bilog ng Partylist

Sa Facebook naman ay ibinulalas ni Harry Nepomuceno ang naranasan nyang pandaraya sa eleksyon.
Aniya Straight na binoto nya ang mga konsehal ng partido unang sigaw pero ang lumabas sa kanyang resibo ay tatlong kandidato lamang. – Ulat ni Amber Salazar