Naging tradisyon na ng mga pinoy ang pagdalaw sa kanilang mga yumao sa Araw Ng Undas o Todos Los Santos tuwing Novermber 1.
Kung trick or treat at pagsusuot ng halloween costume ang pinagkaka-abalahan ng mga tao sa ibang bansa, sa Pilipinas ay isa na itong pagkakataon upang alalahanin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay at makasama ang kanilang mga kamag-anak na dumarayo pa sa ibat-ibang parte ng mundo at Pilipinas.
Sa bayan naman ng Sto Domingo, ito ay isang selebrasyon na talaga namang pinaka-aabangan at pinaghahandaan. Tuwing November 1 ay ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Sto Domingo ang Tumba Tumba. Dito dinedekurasyunan ng mga mamamayan ang kanilang mga kalsada na tulad sa mga haunted house na talaga namang nakapaninindig balahibo.
Ang Tumba Tumba ay taunang tradisyon na ng mga mamamayan na suportado ng barangay partikular na ang Brgy. Cabugao. Dinarayo din ang kakaibang selebrasyon kung saan mayroon ding costume competition para sa kids at adult category.
Ang Tumba Tumba ay isang selebrasyon na taon-taong ginaganap sa Sto Domingo, Nueva Ecija. Kung noong nakaraang taon ay nasa 15 pamilya ang nakilahok ngayon ay nasa 21 na ang nakilahok, isang indikasyon na lalong yumayabong ang kultura ng Tumba Tumba sa Sto Domingo.-Ulat Ni Amber Salazar