Dahil sa kakayahang magsulat , magsalita, magbasa, at makipag-usap sa ibang tao ay naging malaking tulong ang mga abilidad na ito sa mabilis na pagbibigay ng impormasyon at pag-unlad ng tao sa mundo.
Pero kailan nga ba unang natutuhan ng mga tao ang pagsusulat?
Sa pagsisimula ng paglakad ng mga unang tao sa mundo, dito pa lang ay nasimulan na ang pagbibigay ng mga gestures na sa kalaunay nagkaroon na ng mga permanenteng ibig sabihin.
Pero kahit ang ibang mga hayop ay may basic communication din na ginagamit.
Ngunit ang patuloy na paglinang ng kaalaman ng mga tao pagdating sa komunikasyon ang naging dahilan upang maging advance ito sa lahat ng uri ng hayop.
Dahil ang tao ay magkakasama dito, nadevelop ang kanilang kaalaman upang makipag-usap at magkaroon ng pagkakaintindihan.
Ang unang mga larawan ay naipinta gamit ang mga dagta at uling sa mga kweba. Dahil dito natutuhan ng mga tao na gumuhit kahit noon pang unang panahon. Dito unang natutunan ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nangyayari sa paligid.
9,000 years ago, sa Uruk Mesopotamia, na uncover ang mga clay tokens o mas kilala sa tawag na counting tokens bilang mga written records ng pag-aaring lugar, baka, at mga ari-arian.
Ang mga pictograph ang unang uri ng kasulatan noon. At hindi nga nagtagal ay pati ang mga ibat ibang mga tunog at hindi lamang ang mga bagay na nakikita ang nagkakaroon ng record sa mga clay na ito na ngayon ay tinatawag nang cuneiform.
Dahil ang mga tao ay mas nagfocus na sa pagtatanim, naging permanente na ang lugar na kanilang tinitirhan, dito mas naging solido ang pagbuo sa lengguwahe, pagsusulat, pagbabasa ng isang kommunidad.
At ang pinakakilala dito ay ang ehipto. Hanggang ngayon ay nakikitaan pa rin ng ibat ibang uri ng kasulatang naka sulat sa papyrus at naka ukit sa pader.
Dito ang mga drawing ng ibat ibang bagay ay nagkakaroon ng ibat ibang ibig sabihin na kapag pinagdikit-dikit ay maaaring bumuo ng isang pangyayari o kaganapan at maaari ding nag bibigay ng impormasyon.
Mula sa mga drawing na ito, nababasa din ito gamit ang ibat ibang tunog.
Ang drawing ng paa sa Ehipto ay nagbibigay ng tunog na ‘b’ habang ang drawing ng kuwago naman ay nagbibigay ng tunog na ‘m’.
Sa pag lipas ng panahon mas nadadagdagan ng paliwanag ang mga bagay na nagaganap na nagiging dahilan upang yumabong ang kultura at bokabularyo ng tao.
Sa ibat ibang parte ng mundo ibat ibang dialekto at ibat ibang paraan ng pagsusulat ang nagawa ng tao.
Kung iyong mapapansin ang mga Chinese Characters ay hango din sa kung anong ibig sabihin nito.
Katulad na lamang ng salitang sun o araw, na kung titignan sa ancient Chinese Character ay halos mukha lamang drawing ng araw na di kalaunay binago na rin.
Mula sa pagsusulat sa loob ng mga kweba ay napakalayo na ng iniunlad ng ating pagsasalita at pagsusulat maging paraan ng komunikasyon, at dahil dito walang kahirap hirap nang naipapasa ang mga impomasyon na natutunan ng ating mga ninuno, sa kasalukuyang henerasyon.- Ulat ni Philip “Dobol P’ Piccio