Pinag-aaralan na ng Philippine Carabao Center (PCC) ang mercado para  sa  pagbili ng dayami upang ipakain sa kalabaw, baka, kabayo at kambing  upang makatulong din sa mga magsasaka na kumita.

80 % NG MGA DAYAMI, SINUSUNOG TAUN-TAON

Ayon kay Dr. Arnel Del Barrio, Executive Director ng Philippine Carabao Center (PCC) dahil sa Nueva Ecija mataas ang produksyon ng palay at kadalasan sa mga dayami ay nabubulok o di naman kaya ay sinusunog, pinag-aaralan na ngayon ang pag bili sa mga dayami na ito upang maging source of income din ng mga magsasaka.

POSIBLENG MEROCADO PARA SA PAGBILI NG DAYAMI, PINAG AARALAN NG PCC

Malaki ang maitutulong nito upang mas dumami pa ang pagkain ng mga kalabaw at iba pang hayop sa bansa. Ginagawa na ang pagbili ng mga dayami ngunit nais ng PCC na mas lumaki pa ang produksyon nito at pumasok ang mga investors sa dayami. 80 % ng mga Dayami sa bansa ang sinusunog at nabubulok lamang at ang dagda na kita dito ay makakatulong sa mga magsasakang mangangalabaw.  – Ulat ni Amber Salazar